Ninang Dub nanawagan sa Eat Bulaga na ibalik ang Kalyeserye

Maraming ang nalungkot noong nawala panandalian ang Kalyeserye sa Eat Bulaga kung saan gumaganap ang Tatlong Lolas at ang phenomenal love team na sina Alden Richarcds at Maine Mendoza.

Kahit na si Christine Babao o mas tinatawag na Ninang Dub ay nanawagan sa mismong twitter account ng Eat Bulaga na ibalik na ang Kalyeserye dahil miss na daw niya.

Sinundan naman agad ito ng AlDub Nation na malungkot din sa panandaliang pagkawala ng Kalyeserye.

At may nasagap akong balita na paniguradong ikakatuwa niyo at sana mabigyan ko kayo ng lakas ng loob. Panandalian lamang ititigil ang Kalyeserye. Basahin at Panoorin niyo:

Kalyeserye, ipapahinga muna. Ibabalik din naman daw ng Eat Bulaga, papahingahin lang muna. At sa pagbabalik, baka raw iba na ang takbo ng istorya at mapo-focus naman kina Alden at Maine, baka sila iyong normal nang trio nina Wally at Paolo Ballesteros. In-assure na babalik na si Paolo sa show. Sa ngayon daw kasi, busy na silang nagsu-shooting ng Enteng Kabisote 10 The Abangers para sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Kailangan na raw nilang mag-full-time ng shooting nina Bossing Vic Sotto dahil sa October 31 na ang deadline of submission ng finish product ng bawat lalahok sa festival para piliin ang eight movies na magiging official entry sa MMFF ng screening committee. Kaya sina Alden at Maine ay makakasama raw muna nila sa sugod bahay ng Juan For Fall All For Juan. Ibabalik din ang “Lola’s Playlist” na sinimulan nila noon sa kalyeserye na mga batang age 12 below ay kakanta ng mga old songs noong 50s, 60s, 70s. (NORA CALDERON)


Source: Ron Sagun

Share it on Facebook
Loading...
 
Share this News. Thank You!


Share it on Facebook

×
blogger